
Kilala ang Intramuros bilang “Walled city of Manila” noong kapanahunan ng Espanyol. Ang lungsod na ito ang nagsilbing residencia ng mga pinakamayaman at pinakamakapangyarihan ng kamaynilaan, mga prayle, peninsulares, at opisyal ng Espanya ang nanirahan dito. Ang Intamuros ay imahen ng isang magarbo at maunlad na ciudad. Ang kanyang arkitektura at pisikal na ayos ay inayon sa sistema ng Amerika na kapansin-pansin dahil sa tuwid nitong mga kalye at pantay na distansya sa pagitan ng mga gusali.
Isang plaza ang makikita sa gitna ng pook kung saan matatagpuan ang katedral, at “City Hall”. Sa loob nito matatagpuan rin ang maraming simbahang Katoliko at mga unibersidad tulad ng Unibersidad ng Santo Tomas na pinatakbo ng mga orden ng relihiyong Katoliko. Dito rin makikita ang palasyo ng Gobernador Heneral at ng arsobispo, ang Palacio Arzobispal. Masasabing madalas ay masaya ang atmospera sa Intramuros. Bawat buwan ay may pista kung saan pinparada ng mga santo.
Ang Intramuros ang nagsilbing capital at sentro ng pamahalaan Espanyol sa Pilipinas. Ito ay pinalibutan ng mataas na pader at ‘moat’ bilang proteksyon mula sa mga pagsalakay ng mga pirata. Sa pagdating ng mga Amerikano, napagpasyahan ni Daniel Burnham na hindi baguhin ang istrukura ng lungsod. Nanatili ang mga pader pati na rin ang “grid street pattern” ng Intramuros.